Sunday, August 26, 2012

itak sa puso ni mang juan


EVAL, ABIGAIL A.
II-A BSBT                                                                                                       August 3, 2012
“ITAK SA PUSO NI MANG JUAN”
Isang manipestasyon ng pagpapahirap sa ordinaryong manggagawa sa Pilipinas. Isang patuloy na patunay na tayo ay hawak pa rin ng ibang bansa. Isang patunay na kahit sa sarili nating bansa, wala pa rin tayong magawa. Ganyan ko nakikita ang larawang likha ni Delotavo na pumukaw sa atensyon ng karamihan lalo na ng mga mahirap nating kababayan.
 Ito ay negatibong epekto ng globalisasyon at komersalisasyon sa bansang tulad ng Pilipinas. Ang hugis itak sa dulo ng letrang “C” sa tatak ng Coca-Cola ay nakatapat sa puso ni mang Juan. Si mang Juan na nakayuko, pagod at kitang kita ang hirap sa buhay ay nirerepresenta ang mga ordinaryong Pilipinong manggagawa na nakaranas ng paghihirap sa ilalim ng monopolyo ng mga internasyonal na korporasyong gaya ng Coca-Cola sa bansa. Ibig nilang idikta na mamuhay tayo hindi lamang sa mga bagay na ating kailangan kundi sa maluhong paraan.
Ngunit, ilang taon o dekada na rin tayong nagpapalit ng namumuno ng bansa pero wala pa rin. Ang problema nga kaya’y nasa kanila o nasa atin mismo? Lahat tayo ay tikom ang bibig sa pagsigaw ng ating mga nararanasan, ng ating mga paghihirap. Sabi nga nila,“kung hindi ngayon, kailan pa?”

liberty leading the people (discourse analysis)


EVAL, ABIGAIL A.                                                                                                               II-A BSBT
“LIBERTY LEADING THE PEOPLE”
Lahat tayo ay naghahangad ng kalayaan at kahit sa mumunting paraan, nais nating may maiambag para sa ating bayan. Tulad ng ilang makabayan, si Delacroix ay mayroong nais iparating sa kapwa niya mamamayan, nais niyang may maiambag sa kanyang bayan, at ang naging resulta ay ang sining niyang, “Liberty Leading The People”.
Sa unang tingin,ang unang mapapansin ay ang babae, ang bandila, ang patay na katawan ng mga lalaki at ang lalaking nakatingin sa babae. Ito ang isinentro ng pintor upang maipakita ang tunay na mensahe ng kanyang akda, ang paglaban ng mamamayan sa kanilang kalayaan.
Kung lalagyan ng pahabang linya ang gitna ng larawan, makikita kung paano hinati ng pintor ang kayang akda. Sa ibaba ay ang madilim na dulot ng digmaan. Maraming nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Ang itaas na bahagi naman ay nagpapakita ng kanilang tagumpay sa paghahangad ng kalayaan.
Ang babae sa larawang ito ay simbolo ng kalayaan. Siya ang tinutukoy sa pamagat na “Liberty Leading The People”. Siya ay kaiba sa ibang ordinaryong babae. Ang kanyang katawan ay matikas at palaban. Ang pahilis na posisyon niya (chiaroscuro) ay nagpapakita ng pagkilos. Sa kanang kamay ay hawak niya ang kanilang bandila (simbolo ng tagumpay) at sa kaliwa naman ay ang armas sa pakikipaglaban.
Sa kaliwa ng babae ay makikita ang isang lalaking nakatingin sa kanya. Kung mapapansin, ang kanyang damit ay kakulay ng kanilang bandila: pula, puti, asul. Nakatingin siya sa babae na sumisimbolo ng paghahangad ng kanyang bayan na makamit ang kalayaan.
Sa larawan, iba-iba ang kasuotan ng mga tao. Ito ay simbolo na iba-iba man ang estado ng buhay nila, handa silang makipaglaban upang makamit ang kalayaan.
Mayroong tatlong piraso ng kahoy sa bandang kanan ng larawan. Nakaukit doon ang pangalan ng pintor (Delacroix) at ang taon kung kelan nya natapos ipinta ang akda (1830). Simbolo ito ng kanyang partisipasyon sa pagkamit ng hinahangad na kalayaan. Hindi man siya direktang tumulong sa digmaan, ang kanyang ipininta ay isang malaking  ambag niya para sa kanyang bayan.