EVAL, ABIGAIL A.
II-A BSBT August
3, 2012
“ITAK SA PUSO NI MANG JUAN”
Isang
manipestasyon ng pagpapahirap sa ordinaryong manggagawa sa Pilipinas. Isang
patuloy na patunay na tayo ay hawak pa rin ng ibang bansa. Isang patunay na
kahit sa sarili nating bansa, wala pa rin tayong magawa. Ganyan ko nakikita ang
larawang likha ni Delotavo na pumukaw sa atensyon ng karamihan lalo na ng mga
mahirap nating kababayan.
Ito ay negatibong epekto ng globalisasyon at
komersalisasyon sa bansang tulad ng Pilipinas. Ang hugis itak sa dulo ng
letrang “C” sa tatak ng Coca-Cola ay nakatapat sa puso ni mang Juan. Si mang Juan
na nakayuko, pagod at kitang kita ang hirap sa buhay ay nirerepresenta ang mga
ordinaryong Pilipinong manggagawa na nakaranas ng paghihirap sa ilalim ng
monopolyo ng mga internasyonal na korporasyong gaya ng Coca-Cola sa bansa. Ibig
nilang idikta na mamuhay tayo hindi lamang sa mga bagay na ating kailangan
kundi sa maluhong paraan.
Ngunit,
ilang taon o dekada na rin tayong nagpapalit ng namumuno ng bansa pero wala pa
rin. Ang problema nga kaya’y nasa kanila o nasa atin mismo? Lahat tayo ay tikom
ang bibig sa pagsigaw ng ating mga nararanasan, ng ating mga paghihirap. Sabi nga
nila,“kung hindi ngayon, kailan pa?”